Mga sasakyan sa Calapan Port, unti-unti nang nakakabyahe

November 11, 2025 | News by PISD

Ayon sa ulat ni Prudential Custom Brokerage Services, Inc. (PCBSI) Operations Officer Joebert Falogme, umabot na sa 109 units ng cargo trucks, 47 private vehicles, at 68 na motorsiklo ang nakapasok sa loob ng Calapan Pier bandang alas-2:20 ng hapon ngayong araw.

Sa bilang na ito, apat na trucks, 33 private vehicles, at 10 mga motorsiklo ang nakabyahe na lulan ng MV Fastcat M17.

Gayundin, nakapag-load na rin ang MV Bb. Coron papuntang Batangas ng 55 mga sasakyan.

Umabot naman sa 19 trucks, 2 private vehicles, at 30 motorsiklo ang naisakay na sa MV Carmelita.

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga sasakyan sa loob ng Calapan Port habang nananatili naman sa pagpila ang mga nakapasok na sa loob ng Pier habang nag-iintay sa oras ng byahe ng barko.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02DXh81B4XxG1F7gzHm8SkWLq2QXgiXxx8bnoVsA213HXN4SdhQG8tUxbHKojeWnnWl?rdid=KNSP1vo3YPjkimSG#

Scroll to Top