November 11, 2025 | News by PISD

๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ญ๐ฌ๐ฌ-๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ถ ๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐บ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ
11 Nobyembre 2025, Naujan, Oriental Mindoro โ Isang daang taong gulang na si Lola Emiteria Delen mula sa Barangay Barcenaga, Naujan, ang ginawaran ng Centenarian Award ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Personal na iniabot ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang Php 100,000 cash incentive kay Lola Emiteria sa kanyang mismong tahanan, bilang pagkilala sa kanyang mahabang buhay, dedikasyon sa pamilya, at mabuting impluwensya sa komunidad.
Ayon sa kanyang pamilya, si Lola Emiteria ay kilala sa kanilang lugar bilang isang apostolada na may kababaang-loob at matibay na pananampalataya. Isa siyang masipag, mapagmahal, at maka-Diyos na ina na nagsilbing inspirasyon sa kaniyang pamilya.
Ang parangal ay simbolo ng pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga naging ambag ni Nanay Emiteria sa kanyang pamilya at pamayanan.
