November 11, 2025 | News by PISD

Umabot sa 408 pamilyang evacuees sa mga bayan ng San Teodoro at Puerto Galera dahil sa Bagyong #UWANPH ang napagkalooban ng food packs ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa Barangay Lumangbayan, San Teodoro, 116 pamilya ang nabigyan ng food packs samantalang 190 naman ang kaloob sa kanilang MSWDO para ipamahagi sa mga evacuees mula sa mga Brgy. Bigaan at Calangatan.
Sa Puerto Galera, umabot naman sa 102 pamilya mula sa Brgy. Villaflor ang nabigyan ng relief goods.
Ang gawain ay magkasamang pinangasiwaan ng mga kawani ng PSWDO at PDRRMO, sa pangunguna nina PSWD Officer Zarah Magboo at PDRRM Officer Vinscent Gahol.
