38 full scholars, kinumpirma ng SP

November 11, 2025 | News by PISD

Kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang 38 Full Scholars sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP) ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw.

Sa isinagawang sesyon sa SP Boardroom, inihain ni First District Board Member Ryan Arago ang mosyon para sa kumpirmasyon ng mga iskolar, na agad namang sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng SP at inaprubahan ni Vice Governor at SP Presiding Officer Antonio “Jojo” S. Perez, Jr.

Sa kabuuang bilang, 15 ay mga estudyanteng kumukuha ng Bachelor’s Degree at 15 din ang kumukuha ng kursong Agrikultura, na pawang nagmula sa 14 na bayan at isang lungsod ng lalawigan. Bukod pa rito, walong kabataang iskolar ang mula sa walong tribo ng katutubong Mangyan.

Ang mga iskolar ay makatatanggap ng libreng tuition fee, cash allowance, at book allowance mula sa PEAP na pinangangasiwaan ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) sa pamumuno ni PPES Officer Antonio Magnaye, Jr.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor sa pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon para sa mga kabataang Mindoreño.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02EgRJu1CqBqm9hZmbeeCSmbX4uGR9VwmH39MuhLC7gUtF8vxamRAeQivwcn8NnxdFl?rdid=xPbS266kt2xdMCV2#

Scroll to Top