November 10, 2025 | News by PISD

PASASALAMAT ![]()
![]()
![]()
SIERRA MADRE.
CORDILLERA.
CARABALLO.
Maraming salamat po Panginoon sa mga kabundukang ito. ![]()
Katulad ng iba pang mga kabundukan sa iba’t ibang panig ng PILIPINAS
, makita, maramdaman at maunawaan nawa ng lahat ang tunay nilang
KAHALAGAHAN
sa:
Buhay;
Kabuhayan at
Kinabukasan ng bawat mamamayan.
Kailangan ngayon, higit kailan pa man, ang SAMA-SAMA at NAGKAKAISANG PAGTUGON SA HAMON NG PANAHON
—- Ang itiyak ang tunay at tuluy-tuloy na PANGANGALAGA at PROTEKSYON sa mga likas na yamang ito – ang laging nagsisilbing tahimik na tagapagligtas
ng bansa mula sa pinsala ng mga mapanirang bagyo.
___
Tatlong haliging bundok ng Luzon, nakapuwesto na sa kani-kanilang tahanan — matatag, tahimik, at buong lakas na humaharap sa unos.
Sa baybayin ng Aurora, habang papalapit ang Super Typhoon Uwan, tila mga bayani ang ating kabundukan: laging handang sumalo ng hagupit para sa atin.
Pero tayo ba?
Handa ba tayong ipaglaban sila?
O naaalala lang ba natin ang kanilang halaga tuwing may bagyo?
Panahon na para tumugon.
Kung iingatan natin ang kalikasan, iingatan din tayo nito.
Iligtas ang mga tunay na tagapagtanggol ng Luzon.
Iligtas ang mga bundok. Iligtas ang kinabukasan.
#SaveSierraMadre#CordilleraMountains#CaraballoRange#GuardiansOfLuzon#LuzonTyphoonShield#ProtectOurForests#ClimateActionPH#turismocentralluzon#NaturePH#SuperTyphoonUwanPH#PrayForThePhilippines
SOURCE: ![]()
TURISMO CENTRAL LUZON
