November 9, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Namahagi rin ng food packs ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na pinamumunuan ni Governor Bonz Dolor sa mga stranded passengers na kasalukuyang nanunuluyan sa Sectoral Complex.
Sa pamamagitan ng PSWDO, layunin ng inisyatibang ito na mabigyan hindi lamang ng pansamantalang matutuluyan, kundi ng pagkaing tutugon sa pangangailangan ng mga indibidwal na hindi makabyahe dulot pa rin sa kanselasyon sa operasyon ng mga barko.
Abangan ang buong detalye ng balita.
