November 9, 2025 | News by PISD

Bagyong Uwan Updates
November 9, 2025 | 11:00AM
Nanatiling kanselado ang mga biyahe ng barko sa lahat ng pantalan sa lalawigan. Tinatayang 162 sasakyan na ang stranded sa Lungsod ng Calapan at may mga pasahero ring stranded sa Roxas at Bulalacao Port.
Patuloy ang paglikas ng mga kababayan nating nasa mga delikadong lugar kaya’t namamahagi na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng mga pansamantalang tulugan katuwang ang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nakaantabay po ang Pamahalaang Panlalawigan.
Ingat po tayo mga kababayan
