November 9, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Maagap na nakipag-ugnayan ang PIO Oriental Mindoro sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa mga napapanahong babala at paalala para sa ibayong pag-iingat sa epekto ng bagyong #UwanPH sa Oriental Mindoro.
Ipinaliwanag nina PDRRM Officer Vinscent Gahol at Operations Division Chief Ram TemeƱa ang mga maaaring maging epekto ng naturang bagyo sa lalawigan, gayundin, ang kanilang panawagan sa lahat na maghanda habang may panahon pa at makipagtulungan sa mga awtoridad.
Muling pinaaalalahanan ang mga nakatira sa mabababang lugar na laging binabaha at ang malapit sa baybayin sa posibleng storm surge (daluyong) na kaagad na sumunod kung may abiso na ng pre-emptive evacuation. Pinapayuhan din ang mga residente sa mga dalisdis ng kabundukan na mag-ingat sa posibleng pagguho ng lupa o landslide.
Alinsunod ito sa atas ni PDRRMC Chairperson Gov. Bonz Dolor na tiyaking ligtas ang bawat mamamayan ng Oriental Mindoro sa harap ng anumang banta ng sakuna.
Patuloy na mag-antabay sa mga official update ng DOST-PAGASA at iba pang mga konsernadong ahensya kaugnay ng Bagyong #UwanPH.
