November 9, 2025 | News by PISD

𝗠𝗣𝗦 𝗮𝘁 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗚𝗮𝗹𝗲𝗿𝗮, 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲
09 Nobyembre 2025, Puerto Galera – Isang makabuluhang pagpupulong ukol sa paghahanda sa epekto ng Bagyong #UwanPH ang isinagawa sa pagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Police Station (MPS) ng Puerto Galera bandang alas-9 ng umaga ngayong araw.
Layunin ng pagpupulong na masiguro ang maayos na pagpaplano at kahandaan sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon ng mga nasabing lokal na ahensya sa pagresponde sa anumang magiging epekto ng papalapit na kalamidad sa bayan ng Puerto Galera.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan katuwang ang ahensya ng mga kapulisan na protektahan ang mamamayan at tiyakin ang maayos na disaster response upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.
: PNP
