Mga puno sa Puerto Galera, natumba

November 9, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Matapos ang malakas na bugso ng hangin ngayong gabi ng ika-9 ng Nobyembre, tumambad ang mga nagtumbahang puno sa Barangay Palangan at Poblacion sa bayan ng Puerto Galera.

Nang kalmado na ang bagyo, walang pinalampas na oras ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng naturang bayan sa pagsasagawa ng clearing operations kahit pa malalim na ang gabi upang maibalik sa normal ang mga kalsada at ng tuluyang makadaan ang mga sasakyan.

Pagsaludo po sa mga masisipag at dedikadong kawani ng pamahalaan na handang tumupad sa sinumpaang tungkulin kahit sa anong oras.

🖼: PIO Puerto Galera

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02diiQtr9Aid2J2ZiP6TCSGXi43BqMM6vs66piJgMYP41VdTKVo12cVZtodRf5GBNzl?rdid=lfJwcrhpsbIlP1eF#

Scroll to Top