November 9, 2025 | News by PISD

Nagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan at iba pang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dala ng Super Typhoon #UwanPH sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Ipinahayag ng mga kinatawan ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang kanilang kahandaan na magbigay ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) bilang suporta sa mga lokal na pamahalaan, sakaling ito ay kinakailangan. | via PH ARMY
