MDRRMO Roxas, nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment

November 9, 2025 | News by PISD

Isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) sa Roxas MDRRMO na dinaluhan ng mga kawani ng Roxas Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PMAJ Sherwin D. Maupay, COP, kasama ang lokal na pamahalan, BFP, BJMP, Coast Guard, Maritime, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) 3rd Platoon, SAF at 1st IB Philippine Army. Ito ay bilang paghahanda sa Bagyong #UWANPH sa bahaging ito ng lalawigan.

Sa pagpupulong, kinumpirma ang kahandaan ng lahat ng mga kinakailangang kagamitan sa pagtugon sa magiging epekto ng bagyo sa mga mamamayan ng Roxas. Batay sa ulat ng Roxas MPS, itinagubilin ni Roxas Mayor Jerwin S Dimapilis ang kahalagahan ng kaligtasan at seguridad ng lahat, kabilang na ang rescuers, sa panahon ng pre-emptive o forced evacuation, partikular ang mga nasa coastal areas upang mailigtas mula sa posibleng storm surge o daluyong.

🖼 Roxas MPS

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02bTmiurDPc2ZrNvh859pf51r7saudZBBKcfjqyXbthu7nJpU1Ej2dB8xNGAJPBnsfl?rdid=Bb5KIbrFF6mUx0YM#

Scroll to Top