Mahigit 600 pamilya sa Naujan, inilikas dahil sa Bagyong Uwan

November 9, 2025 | News by PISD

MAHIGIT 600 PAMILYA SA NAUJAN ANG PANSAMANTALANG INILIKAS DAHIL SA BAGYONG UWAN

09 Nobyembre 2025, Naujan – Umabot sa 619 pamilya o katumbas ng 2,031 na indibidwal mula sa 24 na mga barangay ang lumikas at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center sa bayan ng Naujan, ayon sa pinakahuling ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa MDRRMO, isinagawa ang preemptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.

Patuloy naman ang monitoring ng kanilang lokal na pamahalaan.

Pinapayuhan ng MDRRMO ang publiko partikular ang mga NaujeƱo na manatiling alerto at makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang panganib na dala ng bagyo.

Source: Mdrrmo Naujan /Naujan PIO

#thecapitolnews#UwanPH#OrientalMindoro#BagyongUwan

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02trKw7VC56XBBHt2GbQUStqoPJmrNhDSgskkYk8E6hqurn9L9g7GouTVZQayzRKcPl?rdid=Gab6wkt4c9mlUOX2#

Scroll to Top