Mahigit 40 pamilya sa Puerto Galera, lumikas dahil sa banta ng Super Typhoon Uwan

November 9, 2025 | News by PISD

MAHIGIT 40 PAMILYA SA PUERTO GALERA LUMIKAS DAHIL SA BANTA NG SUPER TYPHOON “UWAN”

09 Nobyembre 2025, Puerto Galera- Bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Uwan (#UwanPH), nasa 42 pamilya ang lumikas patungong Puerto Galera National High School – San Isidro Extension sa Barangay San Isidro ngayong araw, Nobyembre 9.

Nauna rito, nasa mahigit 89 na pamilya naman ang nag-evacuate sa Tabinay Elementary School at Tabinay Health Center.

Ayon sa Public Information Office ng Puerto Galera, ang preemptive evacuation ay isinagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na itinuturing na landslide-prone at malapit sa baybayin.

Patuloy namang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro, habang inaasahan ang poaibleng mararanasang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa mga susunod na oras.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na abiso, at agad lumikas kung kinakailangan.

#UwanPH#thecapitolnews#BagyongUwan

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02TQ8jk2SSKkXyFx1oZ5QZdjSF33eFHNk3KaEqwMyMbQNzCqAfhGsrSiq8SkgSTztCl?rdid=3n52o4vCihlDVGWU#

Scroll to Top