November 9, 2025 | News by PISD

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Ngayong araw posibleng maramdaman ang malakas na hagupit ng Super Typhoon #UwanPH sa lalawigan ng Oriental Mindoro kung kaya’t mahigpit na ipinapayo ng Provincial Health Office sa pangunguna ni Provincial Health Officer Dr. Cielo Angela A. Ante na manatili na lang muna sa inyong mga tahanan o evacuation area ngayong buong araw hanggang bukas, ika-09 hanggang ika-10 ng Nobyembre at huwag na munang pumunta sa mga kalsada.
Umantabay sa mga anunsyo kung humupa na ang bagyo bago lumabas upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at maiwasan na ang mga nagdaang insidente na nagdulot ng kapahamakan sa ilan sa ating mga kababayan.
Mag-ingat po tayong lahat.
