Koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan para sa paghahanda sa Bagyong Uwan, pinaiigting

November 9, 2025 | News by PISD

๐—ž๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด

9 November 2025, Bansud โ€“ Nagsagawa ng inter-agency coordination meeting at deployment briefing ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bansud kasama ang Municipal Police Station (MPS) na pinamumunuan ni PSMS Jaybert Sosa, Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police โ€“ Special Action Force (PNP-SAF) ngayong araw na ginanap sa MDRRMO Command Center, Brgy. Poblacion, Bansud bandang 12:20 ng tanghali.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga paghahandang isasagawa para sa posibleng epekto ng Bagyong โ€œUwanโ€ sa lalawigan ng Oriental Mindoro, at ang pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga barangay na madaling bahain.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na napagtitibay at naititiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga nasabing ahensya na mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.

Ang PNP at mga katuwang na mga ahensya ay bahagi ng PDRRMC OrMin Response Council na nanungunguna sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

๐Ÿ–ผ๏ธ: PNP

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02Ed9HQvZbLbg59QebqS4We57bPRxkCi2hr1fYRdXFmo14duGX9iDjNbBTxbDovgxal?rdid=35Cg0afIuO0Ugucv#

Scroll to Top