November 9, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Damang-dama na ang epekto ng Super Typhoon #UwanPH sa ilang mga bayan sa lalawigan partikular sa bayan ng Naujan na kung saan aktwal na nakuhanan ng video ni Rocel Evangelista Tolentino, residente ng Barangay Arangin ang kaganapan sa kanilang lugar kaninang bandang alas 5:00 ng hapon.
Makikita sa video ang ilang mga puno na nakatumba na dahil sa lakas ng hangin habang patuloy pa rin ang pagbayo ng malalakas na hampas ng hangin at ulan.
Pinag-iingat naman ang lahat at ipinapayong manatili sa inyong tahanan upang hindi mapahamak sa mga bumabagsak na puno, poste at iba pang mapanganib na bagay na maaaaring maglagay sa inyo sa kapahamakan.
📽️: Rocel Evangelista Tolentino
