November 9, 2025 | News by PISD

Dahil pa rin sa epekto ng Bagyong #UwanPH, nagbigay ng babala ang DOST-PAGASA sa posibleng pag-apaw ng mga pangunahing ilog sa Oriental Mindoro ayon sa inilabas nilang 6:00 PM General Flood Advisory ngayong ika-09 ng Nobyembre 2025.
Pinapaalalahanan ang bawat residente na nakatira malapit sa mga nabanggit na ilog o nasa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Manatiling nakatutok sa mga abiso mula sa mga lehitimong tagapag-ulat ng panahon at sa inyong mga lokal na pamahalaan.
: DOST-PAGASA
