November 9, 2025 | News by PISD

CDRRMD, NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATIONS
09 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan- Isinagawa ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) ang clearing operations sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City, dakong alas-4:00 ng hapon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at ang maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod.
Ayon sa CDRRMD, layunin ng operasyon na alisin ang mga posibleng maging sagabal sa mga motorista at mapanatiling ligtas ang mga lansangan lalo na sa mga lugar na madalas daanan ng mga sasakyan.
Patuloy namang ipinatutupad ng ahensya ang iba’t- ibang response operations bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang programa para sa kaligtasan ng publiko.
