November 8, 2025 | News by PISD

๐ฆ๐ถ๐ด๐ป๐ฎ๐น ๐ก๐ผ. ๐ฏ, ๐ฃ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ
08 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Inaasahang mamayang gabi, ika-8 hanggang bukas, ika-9 ng Nobyembre ay posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahil sa bagyong #UwanPH. Ito ay ayon sa naging ulat ni Calapan PAGASA Station Officer Edmundo M. Muning sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ngayong araw.
Inaasahang magiging ganap nang Supertyphoon ang bagyong ito bukas na aabot ang lakas ng hangin sa 195 km/hour.
Dahil dito, mananatili sa Blue Alert status ang Emergency Operations Center (EOC) ng lalawigan ng Oriental Mindoro upang maisagawa ang lahat ng mga kinakailangang hakbang sa paghahanda para sa paparating na bagyo.
Bagaman at hindi tuwirang maaapektuhan ang lalawigan ng Oriental Mindoro, ang isinisiguro ni Gobernador Humerlito A. Dolor ay ang kaligtasan ng mga mamamayan mula sa pagbaha lalo pa at maaring magkaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan ayon sa rainfall forecast ng PAGASA.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lahat ng Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Offices (M/CDRRMO), at iba pang ahensya ng pamahalaan, target ng Pamahalaang Panlalawigan ang zero casualty o wala sanang maitalang masasawi dahil sa bagyong #UwanPH. Kaugnay nito, istriktong ipapatupad ang โNo Sailing Policyโ sa buong lalawigan kabilang na ang mga maliliit na bangka at iba pang sasakyang pandagat.
Nagpaalala na rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na karaniwang nakakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa na magsagawa na ng pre-emptive evacuation hangga’t hindi pa nararamdaman ang bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
