PDRRMEOC nananatili sa Blue Alert Status

November 8, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Sa bisa ng Memorandum No. 015-2025, mananatili sa Blue Alert Status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Emergency Operations Center (PDRRMEOC) para maisagawa ang mga kinakailangang hakbang sa paghahanda sa paparating na bagyong #UwanPH.

Nakasaad din dito ang ilang mga tagubilin sa mga myembro ng PDRRMC ukol sa pagpapatupad ng preparedness measures. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Patuloy na pag-monitor ng mga ulat panahon mula sa DOST-PAGASA, DENR-MGB at iba pang ahensya ng pamahalaan.

2. Pagbibigay ng mga paalala at impormasyon sa publiko sa iba’t ibang pamamaraan.

3. Pag-activate ng Local Emergency Operations Center(LEOC), Response Cluster at Incident Management Teams (IMT).

4.Pagsasagawa ng paglilikas sa mga lugar na matataas ang tsansang bahain at maguho ang lupa. Ipapatupad din ang “No Sailing Policy”.

5. Pagsasagawa ng imbentaryo ng mga maaaring gamiting emergency supplies, equipment at iba pang kagamitan para madaling mai-deploy.

6. Higit sa lahat, magkaroon ng koordinasyon at kooperasyon sa mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster response at management.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02keptP55LyZWtgH2tZEma17GfVptiq2aQXtXgyN1EGuvA1PmvVCGbjBoKCoYGmGshl?rdid=SPsxfsOTSNOcACN6#

Scroll to Top