November 8, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Taglay ng bagyong #UwanPH ang maximum sustained winds na 140 km/h at kumikilos pakanluran sa bilis na 35km/h ayon sa 11:00 am weather bulletin na inilabas ng DOST-PAGASA ngayong ika-08 ng Nobyembre. Lalo pa itong lumalakas sa paglapit nito sa kalupaang bahagi ng gitnang Luzon.
Samantala, nakataas pa rin po sa Signal No. 1 ang lalawigan ng Oriental Mindoro. Umantabay sa mga anunsyo ukol sa ulat panahon. Mag-ingat po tayong lahat.
: DOST-PAGASA
