November 7, 2025 | News by PISD

πππππ πππππ πππππππ ππππππππ πππππππ, ππππππππππ ππππ ππ πππππππ βππππβ
πππππππ: Muling nagsagawa ng mga paghahanda ang Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro, kasama ang mga sub-station nito, bilang paghahanda sa Bagyong βUWANβ na ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ay maaaring umabot sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5.
Bilang bahagi ng mga preparasyon, aktibo na rin ang DRT (Deployable Response Team) upang tumugon sa anumang posibleng sitwasyong pang-emergency, lalo na sa mga lugar na malapit sa baybayin.
Nakipag-ugnayan na ang CGS Oriental Mindoro sa Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMO/MDRRMO) upang matiyak ang maayos na koordinasyon at mabilis na pagtugon sa oras ng pangangailangan.
Pinangunahan din ng Coast Guard ang information dissemination drive sa mga baybaying barangay, kung saan namahagi ng mga flyers at nagsagawa ng public safety briefing para sa mga mangingisda at mga residente sa tabing-dagat.
Muling pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag, at mahigpit na sumunod sa mga abiso at tagubilin ng kanilang mga lokal na opisyal. Pinapayuhan din ang lahat na patuloy na sumubaybay sa mga anunsyo ng PAGASA para sa pinakabagong ulat hinggil sa lagay ng panahon.
