November 7, 2025 | News by PISD

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Malawak ang sakop ng paparating na bagyong #UwanPH na inaasahang tutumbukin ang gitna at hilagang bahagi ng Luzon sa araw ng Linggo, ika-9 ng Nobyembre.
Dahil dito, naging maagap ang mga awtoridad sa pagpapaalala ukol sa mga maagang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan upang maisiguro ang kaligtasan ng lahat lalo pa at patuloy itong lumalakas sa paglapit nito sa gitnang Luzon.
Ipinapayo ng mga konsernadong ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster readiness at preparedness, ang pre-emptive evacuation bago sumapit ang araw ng Linggo sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo dahil sa maaaring matinding pinsala na maidudulot nito.
Bagaman at hindi tuwirang maaapektuhan ang lalawigan ng Oriental Mindoro ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA ngayong ika-7 ng Nobyembre, as of 5:00 pm, mas mainam pa rin na maghanda at maging alerto ang lahat. Maari pa ring mag-iba ng direksyon ang bagyo anumang oras kung kaya’t umantabay sa balita kaugnay nito sa mga mapapagkatiwalaan at lehitimong source.
Mag-ingat. Maghanda. Maging alerto. Maging ligtas!
CTTO: ABS-CBN Kapamilya LIVE
