Gob. Dolor, nanumpa bilang RDC MIMAROPA Chair

November 6, 2025 | News by PISD

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ngayong araw si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor bilang Chairperson ng Regional Development Council (RDC) – MIMAROPA.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gob. Dolor ang tiwala at suportang patuloy na ibinibigay sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos at kanyang pagtitiyak na ipagpapatuloy niya ang mga programang nagtataguyod ng inklusibong pag-unlad at matatag na ekonomiya sa lalawigan at rehiyon.

Sa ilalim ng kanyang bagong termino, inaasahan ang mas maigting na koordinasyon at pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan sa bawat probinsya at lungsod sa rehiyon gayundin sa iba pang National Government Agencies, para sa mas mabilis at tuluy-tuloy na pag-unlad ng buong MIMAROPA.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02P5pcJs7HdD3ib2Sb3ohejtKvddxemYbK4YuVHKRDYF6ZH7QNyHSdvK2uXp2fGi9gl?rdid=VDyoM2Ruq9PeYC5q#

Scroll to Top