Committee Hearing para sa 2026 Annual Budget, isinagawa

November 6, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ng 12th Sangguniang Panlalawigan ang unang serye ng budget hearing upang himayin ang mga nilalaman ng 2026 Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Personal na pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor ang presentasyon at paliwanag sa mga mahahalagang detalye ng nabanggit na dokumento.

Kasama niya ang mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng Kapitolyo na kabilang sa General Public Services Sector, Economic Services Sector, Social Services Sector, at Other Services Sector.

Ang pagdinig ng SP Committee of the Whole ay pinangungunahan ng Committee on Provincial Planning and Budgeting, and Accounts sa pamununo ni Bokal Ryan Z. Arago at dinaluhan ni Bise-Gob. at SP Presiding Officer Atty. Antonio S. Perez, Jr. at mga Bokal ng SP mula sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.

Layunin ng gawaing ito na talakayin at higit pang pag-aralan ang kaukulang pondo na ilalaan para sa pagsasakatuparan ng mga mahahalaga at kinakailangang proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan para lalawigan at para sa mamamayan ng Oriental Mindoro sa susunod na taon.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02W3gLj113qywumsefNKAuENHoydpDo7Edz3PHngz92DGTfRdXFKQLwRWnSiUNYSPl?rdid=LGZ0EeiyW85O4ZxZ#

Scroll to Top