ALAMIN: Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng Bagyo

November 4, 2025 | News by PISD

𝐏𝐇𝐎 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬:

𝐁𝐚𝐠𝐨, 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨

Sa nalalapit na pagdating ng Bagyong Tino, mahalagang maging handa upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at komunidad.

Narito ang ilang paalala mula sa 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞-𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨:

𝐁𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨 – Siguraduhing may sapat na pagkain, malinis na inuming tubig, gamot, flashlight, baterya at GO BAG. Alamin ang mga evacuation centers at makinig sa abiso ng lokal na pamahalaan.

𝐇𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨 – Manatili sa ligtas na lugar. Iwasang lumabas at huwag tumawid sa mga baha o rumaragasang tubig. Ugaliing makinig sa radyo o opisyal na anunsyo.

𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨 – Mag-ingat sa pagbabalik sa inyong tahanan. Iwasan ang kuryente at mga lugar na may landslide o pagbaha. Linisin ang paligid, itapon ang mga maaaring pamugaran ng lamok, at ugaliing magpakulo ng tubig bago inumin.

𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚, 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐞ñ𝐨! 𝐀𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲.


Source:
https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0uHYtnhkxuWdaheTXhvqPGF5pKJSrbA4QuYtHPrUmuBs2hQChkwBpRMzpf8wR3Sw6l?rdid=eg1llvSkUWnhNLnM#

Scroll to Top