28 stranded passengers, pansamantalang tumuloy sa Sectoral Complex

November 4, 2025 | News by PISD

Pansamantalang tahanan para sa mga stranded na kababayan.

28 stranded na pasaherong paluwas patungong Batangas ang pansamantalang dinala natin sa Sectoral Complex.

Para po sa mga luluwas, mananatili pong kanselado ang biyahe ng mga barko hangga’t nakataas ang signal sa Calapan City. Kung maaari po ay ipagpaliban muna ang pag biyahe at manatili muna sa mga ligtas na lugar.

Maraming salamat sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at mga Lokal na DRRMO sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating mga kababayan.

Ingat po tayo mga kababayan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0dQh4R3UQjRwtvGC585GSWEvSKh4QaLx5vrSHn9uxcBY5MdMT7tZ3v15fMEVgGxBvl?rdid=4q0zk7ixPl4zPEL5#

Scroll to Top