Walang pasok, idineklara sa lahat ng antas ng paaralan sa OrMin.

November 3, 2025 | News by PISD

Sa 11pm na weather bulletin ngayon ay itinaas na sa Signal No. 2 ang Bayan ng Bulalacao. Ganundin, nananatiling nasa orange rainfall category (100-200mm) ang buong Oriental Mindoro hanggang bukas, na nangangahulugan ng posibleng malalakas na pag-ulan, ganundin ng posibleng matataas na alon sa mga coastal barangays (up to 3.0m). Dahil dito, ang PASOK sa LAHAT NG ANTAS NG PAARALAN MULA PRE-ELEMENTARY HANGGANG COLLEGE (Public and Private) ay SUSPENDIDO BUKAS, November 4, 2025.

Mag-abang sa iba pang mga announcements sa official page na ito.

Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng lahat.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02SWajGnAhu5Wt2URgU6hU8XmwJqQKp3mc3Ky67PVQuWmgUmV7xTGKYxSjD7HXGUxjl?rdid=Jeb1ddtw8BNpMIwq#

Scroll to Top