Kanselasyon ng klase, idineklara sa OrMin. dahil sa bagyong Tino

November 3, 2025 | News by PISD

Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong #Tino sa kalupaan ng Oriental Mindoro at ayon na rin sa naging ulat ni Calapan PAGASA Station Officer Edmundo M. Muning na posibleng itaas na ang Signal No. 1 sa buong lalawigan sa mga susunod na oras, minabuti ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito β€œBonz” A. Dolor na suspindihin ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan, mula Pre-elementary hanggang Senior High School bukas, ika-04 ng Nobyembre.

Samantala, nakadepende naman sa Weather Bulletin na ilalabas ng DOST-PAGASA mamayang alas-8:00 ng gabi ang magiging anunsyo ng pasok sa mga kolehiyo at tanggapan ng pamahalaan.

Bahagi ito ng maagang paghahanda at pagsiguro sa kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral sa lalawigan.

Mag-ingat po tayong lahat.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid05AU51tMij6E5Zrm7UH6ou1gjc7UJ3m55EnfM7HBYEihyfsQFEHK4tPGJkb9YvA9jl?rdid=bfGbdfGuMBYUD2LF#

Scroll to Top