November 3, 2025 | News by PISD

KAPAPASOK NA BALITA: Bayan ng Bulalacao, nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, ayon sa pinakahuling ulat panahon ng DOST-PAGASA ngayong ika-03 ng Nobyembre, 11:00 ng gabi.
Samantala, nananatili naman sa Signal No. 1 ang natitira pang bahagi ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
Bagaman at bahagyang bumababa ang track ng bagyong #TinoPH, lalo naman itong lumalakas ayon sa PAGASA.
Umantabay pa rin po sa mga mahahalagang anunsyo hinggil sa bagyong si #TinoPH.
Mag-ingat po tayong lahat.
: DOST-PAGASA
