November 3, 2025 | News by PISD

Matapos ang isang semestre ng masisipag na serbisyo at ibaโt ibang hamon sa pagtuturo, inimbitahan ng Aurelio Arago Memorial National High School ang Provincial Health Office (PHO) upang magsagawa ng Mental Health Awareness, Stress Management, at Health Care Session para sa mga guro.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa pangangalaga ng kalusugang pangkaisipan, matutunan ang mabisang paraan ng pagharap sa stress, at mapahalagahan ang kabuuang kalusugan ng ating mga tagapagturo โ mga bayani sa larangan ng edukasyon.
Sa patuloy na paglingap ng PHO, ating pinapaalalahanan ang bawat Mindoreรฑo na ang malusog na isip at katawan ay sandigan ng maayos na serbisyo at kalidad na edukasyon.
