November 3, 2025 | News by PISD

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang simultaneous earthquake drill sa ibaโt ibang tanggapan sa Kapitolyo at mga satellite hospitals ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa direktiba ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol ang gawain bilang tugon sa sunud-sunod na pagyanig na nararanasan sa ibaโt ibang panig ng bansa.
Layunin ng aktibidad na sanayin ang mga kawani ng Kapitolyo sa tamang pagsasagawa ng mga hakbang tulad ng โDuck, Cover, and Holdโ technique at wastong pamamaraan ng paglikas upang matiyak ang kaligtasan sa oras ng lindol.
Personal ding lumahok si Gobernador Dolor sa pagsasanay bilang pagpapakita ng kanyang suporta at pangunguna sa pagsusulong ng kahandaan sa sakuna sa hanay ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
