November 2, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Sa kabila ng mainit na panahon, mayroon pa ring ilang mga residente ang bumibisita upang magtirik ng kandila sa kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na sa Catholic Cemetery, Brgy. Del Pilar, Naujan ngayong araw.
Patuloy naman ang pagbabantay ng mga kapulisan upang masiguro ang kaayusan sa sementeryo.
Ayon sa kanila, walang anumang naitalang kaguluhan at nananatiling payapa ang paggunita ng mga mamamayan sa Undas.
