November 1, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Mainit na sopas, malamig na tubig at candy, ito ang libreng ipinamimigay ng TAU GAMMA PHI sector 7 – Naujan Council sa mga bumibisita sa puntod ng kanilang mga kamag-anak sa Del Pilar Cemetery ngayong ika-1 ng Nobyembre.
Ayon sa kanila, simula pa noong 2020 noong simulan nila ang gawaing ito at patuloy pa rin nilang ginagawa hanggang sa ngayon tuwing Undas.
Nakaantabay naman ang Philippine National Police (PNP) – Naujan Station upang isiguro ang kapayapaan at kaayusan sa sementeryo.
Samantala, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pamilyang dumadalaw ngayon sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay dito sa Del Pilar Cemetery.
