PDLs ng BJMP–Roxas, nakiisa sa paggunita ng Undas 2025

November 1, 2025 | News by PISD

Nagtirik ng kandila at nag-alay ng panalangin ang Persons Deprived of Liberty o PDLs ng BJMP–Roxas District Jail sa Oriental Mindoro bilang paggunita sa #Undas2025.

Ayon kay BJMP MIMAROPA spokesperson JO3 Joefrie Anglo, bagamat malayo sa kanilang mga pamilya, binibigyan pa rin ng pagkakataon ang PDLs na gunitain at ipanalangin ang mga kaluluwa ng mga yumao— patunay na sa kabila ng mga rehas, nananatiling buhay ang pananampalataya at pagmamahal. | via Joefrie Anglo/BJMP

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid091FowL1xbfSLJnfkccnFChGB2Zn6hTwwidQ4xRf1QWf4ZiumTWZTkKzD6ejn8BZQl?rdid=nEQiDMvhsPPGrPI2#

Scroll to Top