October 31, 2025 | News by PISD

ππππππ ππ πππ ππππππππ:
ππππππππππ ππ πππ-ππππ ππ πππππππππ π πππ
Sa paglalakbay ngayong Undas, alagaan ang sarili at ang kapwa laban sa trangkaso o Influenza-Like Illness (ILI). Narito ang ilang paalala para sa inyong kaligtasan:
Magsuot ng facemask lalo na sa mga matataong lugar gaya ng pantalan, terminal, simbahan, at sementeryo.
Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.
Takpan ang ilong at bibig kapag uubo o babahingβgumamit ng panyo o tisyu.
Iwasan muna ang pagbiyahe kung may lagnat, ubo, sipon, o pananakit ng katawan.
Magdala ng sariling hygiene kit na may alcohol, tisyu, at facemask.
Uminom ng maraming tubig at siguraduhing sapat ang pahinga bago bumiyahe.
Ang simpleng pag-iingat ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkahawa at mapanatiling ligtas ang lahat.
Maging alerto, maging responsable, at manatiling malusog!
