Pasasalamat sa mga dakilang guro, hatid ng PHO

October 31, 2025 | News by PISD

𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬’ 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐬-𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐫𝐨!

Sa isinagawang Medical Mission para sa mga teaching at non-teaching personnel bilang handog sa ating mga tagapaghatid ng kaalaman, muli naming ipinapaabot ang aming pagpupugay at pasasalamat sa inyong walang sawang serbisyo, malasakit, at dedikasyon.

Maraming salamat, mga guro, sa inyong inspirasyon, pagtitiyaga, at walang kapantay na kontribusyon sa paghubog ng isipan at kinabukasan ng kabataan.

Kayo ang tunay na bayani, sa silid-aralan man o sa labas nito. 👩‍🏫👨‍🏫💚

Mabuhay ang mga guro ng Oriental Mindoro!

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0L3EHnNbst8M7D1kTJqbfGo75Nzf5zo5AbtMTMUzANMXS6t5ochE37bEhofnBWvEWl?rdid=FnMYVgu5wjgzlFvk#

Scroll to Top