Mga pasahero sa Calapan Port, dumarami na sa papalapit na Undas

October 31, 2025 | News by PISD

As of 9:20 am ngayong ika-31 ng Oktubre, ganito ang sitwasyon sa Calapan Port.

Makikita natin na dumadami na ang inbound passengers at inaasahan na mas dadami pa ito sa mga susunod na oras at araw dahil ang karamihan ay hahabol pa para gunitain ang undas kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, mayroon ding pailan-ilan na outbound passengers o palabas ng ating lalawigan.

Paalala lamang po na mag-ingat ang lahat sa pagbiyahe at kung maaari ay magsuot ng facemask upang makaiwas sa pagkakahawa ng influenza-like-illnesses.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0vThQDw5ENL1TfvRyQRYJju12uURDg5sSKnQpvPRTruwCcH3cQyvkraQ4214tiuZwl?rdid=rjB7985SdfEhmXNi#

Scroll to Top