Low Pressure Area Posibleng Maging Bagyo Pagkapasok ng PAR

October 31, 2025 | News by PISD

Low Pressure Area Posibleng Maging Bagyo Pagkapasok ng PAR

Ang Low Pressure Area na kasalukuyang nasa silangan ng Mindanao labas ng PAR ay inaasahang maaaring lumakas at maging isang bagyo sa mga susunod na araw habang ito ay patuloy na kikilos pa kanluran hanggang kanluran hilaga kanluran papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa pinakahuling model guidance, ang LPA ay kikilos pa direksyong pa kanluran, at may mataas na posibilidad na lumakas bilang isang bagyo sa oras na pumasok ito ng PAR sa pagitan ng gabi ng Nobyembre 1 o umaga ng Nobyembre 2.

Sa sandaling makapasok ito sa loob ng PAR at magiging bagyo, papangalanan ito ng PAGASA bilang #TinoPH. Ayon sa kasalukuyang, posible itong umabot sa lakas ng isang Typhoon pagsapit ng Nobyembre 4, at may potensyal na tumama sa kalupaan sa Eastern Visayas bago tumawid sa Central Philippines patungong West Philippine Sea.

⚠️ Paalala: Ang forecast na ito ay batay sa kasalukuyang pagtataya, model guidance at kondisyon ng atmospera. Maaaring magbago ang aktwal na track at lakas ng LPA depende sa magiging kondisyon ng atmospera sa mga susunod na araw.

Philippine Typhoon/Weather

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0bN67FiC4ghUpYbKM7knQ9BF8zh1bQv5dt3YTu5XiTG5Ahp1GsDAZQANFAgTEdENsl?rdid=pMpOPE6xQsMFXTcx#

Scroll to Top