PHO, nagsagawa ng monitoring sa pagsusulong ng kalusugan

October 30, 2025 | News by PISD

๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง: ๐๐‡๐Ž, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ I ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–-๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Nagsagawa ang Provincial Health Office sa pamamagitan ng National Immunization Program (NIP) Team, katuwang ang PDOHO, ng serye ng monitoring activities sa ibaโ€™t ibang Rural Health Units (RHU) sa lalawigan. Layunin nitong masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga programa sa pagbabakuna at mapanatili ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mindoreรฑo.

Kasama sa ginawang aktibidad ang pagmomonitor ng cold chain system ng bawat RHU upang matiyak na nananatiling ligtas at epektibo ang mga bakuna.

Kinamusta din ng team ang pagpapatupad ng School-Based Immunization (SBI) sa mga bayan, kabilang na ang mga naging tagumpay, hamon, at pangangailangang suporta mula sa probinsya upang higit pang mapabuti ang implementasyon nito.

Lubos na pasasalamat din sa lahat ng mga RHU ng Bongabong, Roxas, Gloria, Socorro, at Bulalacao sa kanilang aktibong pakikiisa at patuloy na suporta sa mga inisyatiba ng probinsya tungo sa isang malusog at protektadong Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na koordinasyon, layunin ng PHO at PDOHO na mapalakas pa ang kampanya sa pagbabakuna at matiyak na bawat bata sa Oriental Mindoro ay ligtas, protektado, at may mas malusog na kinabukasan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0eLe6eh2sfqCnMf4uRxGxXo7Tct5PaQaKtQuHEgwYhSVf3ugCMA85rAvrivN6iu39l?rdid=DzZPj3lfbt9qy4CU#

Scroll to Top