October 30, 2025 | News by PISD

Suot ang iba’t ibang cute at makukulay na costumes, nag-ikot sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa loob ng Kapitolyo ang mga batang mag-aaral ng Provincial Capitol Day Care Center, kasama ang kani-kanilang mga magulang, ate, kuya, mga lolo at lola, at iba pa, sa pag-agapay ng mga guro at kawani ng PSWDO, para sa taunang Halloween kiddie celebration na laging inaabangan ng mga bata rito.
Ito ay mga kuhang larawan sa Governor’s Office – Public Information Services Division (GO-PISD).
