October 29, 2025 | News by PISD

Kabilang sa mga kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor bilang 2025 SubayBayani Exemplars.
Ang pagkilalang ito ay tanda ng maayos na pamamahala sa mga proyektong pang-imprastraktura na ginawa at ipinagagawa ng Pamahalaang Panlalawigan. Simbolo ito ng katapatan at bukas na pamamahala sa pamamagitan ng epektibong pagsusumite ng reports ukol sa mga pinondohang proyekto ng pamahalaan.
Patuloy ang pagpupunyagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa mga pagawain ng Kapitolyo para sa ikabubuti at ika-uunlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
: DILG MIMAROPA Region
