Mini dump truck, naaksidente sa Mansalay

October 29, 2025 | News by PISD

Isang mini dump truck ang naaksidente sa pababang bahagi ng Mabaho Road, Barangay Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro ngayong umaga.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng aksidente.

Pinaaalalahanan pong muli ng Pamahalaang Panlalawigan ang publiko na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan at drayber bago bumiyahe upang maitiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Lagi nawa nating isiping may pamilyang naghihintay sa atin sa bawat byahe.

Ingat po mga Kababayan!

📷 Mary Florence Moreno

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0ukCG9WSGYuKjYaZfTuUdyyDF3vCjZnJXnYxXCTdeJ9TLrTCM4mpXpbkNwQzHLB2Wl?rdid=iw825Hik3BPDXH3x#

Scroll to Top