DOST-PAGASA, nagpaalala ukol sa fake news

October 29, 2025 | News by PISD

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—ข๐—ฆ๐—ง-๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—ฆ๐—”

Ang DOST-PAGASA ay naabisuhan tungkol sa kumakalat na HINDI OPISYAL AT HINDI BERIPIKADONG impormasyon na may dalawang โ€œsuper typhoonโ€ na maaaring tumama sa Luzon at Visayas sa darating na Nobyembre.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ช

Batay sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast (26 Oktubre 2025), may posibilidad ng pagbuo ng bagyo sa labas ng PAR ngayong linggo (27 Oktubre-02 Nobyembre), at may posibilidad na tumawid sa bansa sa susunod na linggo (03-09 Nobyembre).

Dahil ang forecast na ito ay nasa loob pa ng dalawang linggong saklaw, nananatiling mataas ang uncertainty o hindi katiyakan sa mga detalye, lalo na sa direksyon at lakas ng posibleng bagyo. Batay rin sa climatology ng mga bagyong dumaraan sa Pilipinas tuwing buwan ng Nobyembre, karaniwang kumikilos ang mga bagyo pa-kanluran, madalas na nakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.

Source: DOST-PAGASA

Scroll to Top