October 29, 2025 | News by PISD

Nagkaloob ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 150 bags ng tig 5kg na bigas at distilled water bilang tulong sa mga residente ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng nagdaang kalamidad sa isinagawang ceremonial turnover, ngayong araw sa Mangyan Hall sa Kapitolyo.
Ayon kay Felicidad Francisco, Senior Supervisor ng NGCP Government Relations and Regional Affairs Division, bahagi ito ng Corporate Social Responsibility (CSR) program ng kumpanya na layuning tumulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol, sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ipinagkaloob na tulong ng NGCP. Aniya, malaking tulong ito upang mapagaan ang kalagayan ng mga kababayang patuloy na bumabangon mula sa mga pinsala ng mga nakalipas na kalamidad.
