October 29, 2025 | News by PISD

Ayon sa sulat ni Atty. Ponciano Dexter Hector S. Corpus ng Aqueous Support Services, Inc. na ipinadala kay Governor Humerlito โBonzโ A. Dolor noong 23 Oktubre, umabot sa mahigit โฑ2.7 bilyon ang kabuuang halagang naibayad sa claims ng mga apektado ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Batay sa datos hanggang Setyembre 2025, nakapagtala ng 40, 807 claims na may kabuuang halaga na โฑ3.878 bilyon. Mula rito 35,418 claims ang naaprubahan at 33,731 ang nabayaran na.
Narito ang breakdown ayon sa kategorya: sa clean-up and preventive measures, โฑ1.629 bilyon ang bayad na mula sa 49 claims; sa fisheries โฑ1.071 bilyon and bayad na mula sa 33,649 claims. Samantala, wala pang naaprubahan at nababayaran sa property damage at โฑ2.035 milyon naman ang nabayaran sa tourism mula sa 33 claims.
Ayon pa sa dokumento, ang mga bayan pa lamang ng Mansalay, Pinamalayan, Gloria, Bulalacao at Pola ang nakapagsumite ng kani-kanilang claims mula sa lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Ipinaliwanag naman ng Aqueous Support Services, Inc. na patuloy ang assessment at re-evaluation ng iba pang claims na naisumite sa kanilang tanggapan.
