October 29, 2025 | News by PISD

Kasama si Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) at Sangguniang Panlalawigan (SP) Board Member Lagtum Pasag, nakiisa si SP Presiding Officer at Vice Governor Antonio โJojoโ Perez Jr., at si 2nd District Board Member Atty. Roland Ruga na kapwa nagpahayag ng buong suporta sa pangkalahatang kagalingan ng sektor ng mga Katutubong Mangyan sa ikatlong araw ng Mangyan Summit sa Lungosd ng Calapan.
Sa huling araw ng pagtitipon, itinampok ang presentasyon ni Bokal Pasag ukol sa mahahalagang resolusyon sa SP na naglalayong isulong ang kapakanan ng kanilang sektor. Kabilang dito ang limang resolusyon at tatlong ordinansa na magsisilbing hakbang tungo sa higit na pag-unlad ng mga katutubong pamayanan.
Binigyang-diin naman ni PGOM Consultant for Indigenous People Myrna Jimenez, na siya ring pangkalahatang tagapagpadaloy ng talakayan, ang mga nilalaman ng โFive-Year Road Map to Self-Determinationโ para sa mga Indigenous Peoples (IP).
Mensahe ng pasasalamat sa grupo ng mga IP leaders ang binigyang-diin naman ni Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Zarah C. Magboo dahil sa patuloy na pakikiisa ng mga ito sa mga programang ilalapat at mga serbisyong laan para sa kanila na patuloy na binabalangkas sa pamamagitan ng Summit. Ipinahayag din niya ang totoo, taos-puso at sinserong hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng administrasyon ni Governor Bonz Dolor, katuwang ang ibaโt- ibang ahensya ng pamahalaan at mga NGO, upang patuloy silang maagapayan.
Abangan ang kabuuang detalye ng balita sa TCN TV/Radio.
