October 28, 2025 | News by PISD

Idineklara ng Malacañang na special non-working day ang October 31, 2025 (Friday) sa buong bansa sa ilalim ng Proclamation No. 727 bilang paghahanda sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Pinapaalalahan natin ang lahat na mag-ingat sa biyahe at panatilihin nawa natin ang kapayapaan at respeto sa paggunita sa ating mga mahal sa buhay na namayapa.
