October 28, 2025 | News by PISD

Pagbati sa mga nagkamit ng pagkilala sa 2025 GaLing MIMAROPA: Husay ng Kapuluan, Huwaran ng Kaunlaran mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA Region kamakailan.
Nasa 20 LGUs ang nakatanghap ng pagkilala at kabilang dito ang bayan ng Naujan at bayan ng Puerto Galera.
Ang pagkilalang ito ay bilang pagpapahalaga ng naturang ahensya ng pamahalaan sa ipinakitang kahusayan ng mga LGU sa pamamahala sa pamamagitan ng pagpapamalas ng inobasyon, matagumpay na pagharap sa mga hamon, at pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan bilang bahagi ng taus-pusong pampublikong paglilingkod.
: DILG MIMAROPA Region
